Isang hapong mainit
Tumutulas ang pawis
Ako'y di na nga mapakali
Gitara ko'y nilabas ngang muli
Umawit ng isang himig
Tinig kong ako lang ang nakarinig
At sa mga sandaling iyon
Lungkot ko nga'y napawi
Sa mga sandaling iyon
Problema ko'y nalimutan
Inihip muna sa kawalan
Tumakas sa katotohanan
Ngunit matapos ang ilang saglit
Ang munting tinig ay unti-unti na ngang naglaho
Sumama sa simoy ng hangin
Sakin siya'y patuloy nang lumayo
Luha ko'y napatulo, Ako'y napangiti at napatango
Bat nga ba ang himig ko'y akin lamang tinatago
Pabulong na inaawit,
Wika ng pagsusumamo
Ngunit kay sarap alalahanin
Nang mumunti kong awitin
Awit ng saya at pighati
Halong luha at mga ngiti
Siya nga ang aking musika
Dala niya saki'y luha at saya
Siya ang katotohanang sakit na nais kong matakasan
At ang tinig na hinahanap sa oras ng kalungkutan