destinations

destinations

 

 

 
       
 

 Friday, December 24, 2004  

--Walang permanente sa buhay--

diba nga... "Everything in life is not permanent... only change is..."

Hindi habang buhay na ika'y nasa DILIM....
Hindi habang buhay na ika'y makakdama ng SAKIT...
Hindi habang buhay na ika'y IIYAK...
Hindi habang buhay ang naghihintay ay MAGHIHINTAY at ang hinihintay ay HIHINTAYIN...

Lahat yan magbabago sa tamang panahon...

Dilim... Subukan niong pumasok sa isang kwarto na walang ilaw... masmalamang sa wala kang makita... matatapilok ka... at maaaring tumama sa mga bagay na di mo makita... dagdag hirap... Pero habang nagtatagal... nasasanay na ang mata mo sa dilim... at onti-onti ring magkakaliwanag... maliit lamang ang ilaw na iyong maaaninag... di mo rin matitiyak kung san nga ba nanggagaling ang maliit na liwanag... Pero onti-onti mo na rin makikita ang mga bagay sa paligid mo...
HINDI HABANG BUHAY NA IKA'Y NASA DILIM...

Sakit... Alalahanin nio po... nung bata pa keo... i mean masbata naman siguro kesa ngeon... Pagnadapa keo sa kakatakbo... Uuwi keo sa bahay... umiiyak... galit na galit sa kalsadang nabagsakan o di kaya sa kalarong nanulak... At ang isa mong kamay ay nakahawak sa braso o sa tuhod na nasugatan... "To the rescue" naman agad si inay... may dala pang alcohol at band-aid... Inay ko pO!! masakit na nga... nagdudugo na nga... papahapdiin pa... Pero bakit nga ba lalagyan nun... diba para gumaling din? mahapdi man... Hipan mo na lang... itapat mo sa electri fan... --hingi ka ng tulong sa masnakakaalam... si God-- tignan mo... lalamig ang pakiramdam... di agad maghihilom ang sugat... pero onti-onting mawawa ang sakit...
HINDI HABANG BUHAY NA IKA'Y MAKAKADAMA NG SAKIT...

Luha... Panakot nila dati... kapag iyak ka ng iyak... mauubos luha mo... paano ka nga ba maaaring tumigil..? isang panyo mula sa mahal... akbay mula sa kaibigan... o kahit isang masayang ala-ala... mamamatay na rin yang gripo seong mata... minsan naman bigla ka na lang makakatulog... di mo namamalayan... napigilan mo na ang isang patak sa pagtulo...
HINDI HABANG BUHAY NA IKA'Y IIYAK...

Naghihintay... Hinihintay... Tayo ay tao lamang... may hangganan ang kakayahan at lakas... di tayo tulad ni batman at lalo pa ni superman... May hangganan din ang pagtiyatiyaga... pagsasakripisyo... at ang pagpapasakit... Di man mawala ang pagmamahal... minsan kelangan na rin natin isipin at pahalagahan ang sarili...
HINDI HABANG BUHAY MAGHIHINTAY ANG NAGHIHINTAY AT
DI HABANG BUHAY NA HIHINTAYIN ANG HINIHINTAY...

Lahat ng sakit ay magwawakas rin... Pati ang saya... may katapusan rin... Pero sa bawat pagbabago... may bago kang matututunan... Wag lunurin ang sarili sa kalungkutan... Wag magpakatuto sa kasiyahan... Sumabay sa agos ng buhay... at kang Panghinaan... ang bukas ay da
dating rin... buhay na puno ng pagbabago'y tuloy pa rin...

mALIGAYANG pASKO!!







   { piMi_ } { 9:25 AM } { }


Main Menu

Home

Links

kuya benzon
kuya edpat
melatotski
kuya alex
ate patit
jamie
cyf
kai
gret
jl site
jamayca
ate nowai
bebe desa
kuya robert
kuya francis
bebe pranna

Listed on BlogShares

Description

des-ti-na-tion, n. the purpose for which something is destined...

Archives

11/01/2004 - 12/01/2004 12/01/2004 - 01/01/2005 01/01/2005 - 02/01/2005 02/01/2005 - 03/01/2005

Powered By